top of page
Pokwang.jpg

Hinarang ng 50 lalaki | PATROL CAR PINAGBABARIL, PULIS TODAS

Jeff Tumbado
Mar 12, 2019
1 min read

UTAS ang aktibong pulis makaraang ratratin ng hindi pa nakilalang mga suspek ang sinasakyan nitong patrol car sa Motiong, Samar, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Police Colonel Dante Novicio ang nasawi na si Police Staff Sergeant Gleen Meniano. Sugatan naman ang kasamahan nitong si Patrolwoman Jane Abejar.

Lulan ang dalawang pulis sa kanilang service vehicle at pabalik na sa istasyon makaraang mag-igib nang harangin ng tinatayang 50 armadong lalaki sa Maharlika Highway.

Nang pagbabarilin, sumalpok ang sasakyan sa bakal na harang sa kalsada kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga suspek na sunugin ito bago inabandona.

Nagawang makalabas ng patrol car ang babaeng pulis at nakahingi ng saklolo sa dumaang sasakyan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page