COLLAR AT MANABAT, MASASAGIP KAYA ANG TORNADOES SA PSL?


IPAPARADA ng Foton Tornadoes ang mga dagdag na players sa sandaling makasagupa na ang reigning champion Petron Blaze Spikers sa Philippine Superliga Grand Prix ngayong araw sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
Ibabalandra ng Tornadoes ang bagong import na si Milagros Collar ng Spain at ang nagbabalik na si Dindin Manabat sa 4:15 p.m. na bakbakan sa Blaze Spikers sa prestihiyosong women’s club league.
Samantala, pakay din ng Generika-Ayala na ibalik ang winning ways laban sa PLDT ng 2 p.m. habang ang Cignal at Sta. Lucia ay maghaharap ng 7 p.m. Lahat ay nakaabang sa Foton.
Matapos ang opening season sa bisa ng four-set win laban sa United VC, nahirapan ang Tornadoes dahil sa anim na sunod na pagkatalo at mangulelat sa standings sa first round.
Kaya naman tinapik na ng Tornadoes si Collar upang palitan ang mahinang si Selime Ilyasoglu ng Turkey at ibinalik din si Dindin Santiago na naglarong ilang buwan bilang import sa Toray Arrows sa V. Premier League sa Japan.
Papasok si Collar na may magandang credentials. Ang 15-anyos na beterana ay naglaro sa Spanish national team, maging sa iba pang liga sa Italy, France at Romania.
Ang nagdaan niyang laro ay sa Hyundai E&C Hilstage sa Korean League na kumana ng 36 points. “Milagros an opposite who can really help us in the offensive end,” ayon kay Foton team manager Diane Santiago, ang kapatid ni Dindin Manabat at Jaja Santiago.
“We already processed her ITC (international transfer certificate) as early as last week and she will be ready to play against Petron on Tuesday.”
Tutulong din sa Tornadoes si Manabat. Sinabi ni Santiago na ang 6’2 middle blocker ay nasa great shape at muling nag-training mula nang dumating noong Biyernes.
“She’s feeling great,” ani Santiago. “Although she’s still adjusting with some of her new teammates, she’s in good health and it won’t take long before she regains her groove.”
Bukod kay Collar at Santiago, dadalhin din ng Petron ni import Courtney Felinski at ng mainstays na sina Shaya Adorador, Maika Ortiz, Gyselle Sy, Ivy Perez at Elaine Kasilag. (MC/VA)





Comments