CHAVENIA, NILEKSIYUNAN SA OT ANG MARIKINA SA CBA


UMASA ang Pasig kay Algie Chavenia upang manaig sa nagsisimula pa lamang na Marikina, 83-82 sa overtime game ng Community Basketball Association (CBA) Founders’ Cup basketball tournament sa Pasig Spirits Complex noong Sabado.
Umiskor si Chavenia ng 6 sa kanyang nabuong game-high 25 points sa overtime upang palakasin ang Pasigueño sa ikalawang panalo sa apat na laban sa 14-team community-based tournament na inorganisa ni actor-director Carlo Maceda.
Si Chavenia, na naglaro rin sa Diliman College sa MBL at sa Fr. Martins Cup ay umiskor ng 4 points sa 7-0 blast ng Pasigueño para sa 77-71 lead sa pagsisimula ng extra period. Nakagawa si Eloie Tan ng three-point shot para sa Marikina sa nalalabing 5.8 segundo upang isapinalisa ang score. Dumagdag si Jim Reyes ng 12 points para sa Pasigueño.
Nakapagtarak si Jonathan Boholano ng 5 points, kasama na ang two pressure-laden free throws ng Pasigueño para makasampa sa overtime. Nakatulong si Angelico de Guzman sa Marikina na may 22 points, kasunod ni Ryan Costelo na may 13 at Jhone Amansec may 12.
Unang tinalo ng Pasigueño ang Manila na ginapi ang Binangonan, 90-83 para sa ikalawang straight win. Nagpalakas sina Mark Christian Yu, Arben Dionson, Almel Orquina, Aldrich Liwag at Wowie Escosio sa Sausage Kings, na nag-debut game sa 95-89 win laban sa Pasigueño noong Marso 2.
Tumapos si Yu ng 20 points, may 16 si Dionson. May pinagsama sina Felipe Chavez at Marvin Dionisio na 32 points para sa Slashers, na lagpak sa 2-2.(MC)





Comments