top of page
Pokwang.jpg

BUKIDNON-SSCR, SOLO LIDER NA KONTRA NU SA D-LEAGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 12, 2019
1 min read

NAKAMIT ng Valencia City Bukidnon-SSCR ang solong pamumuno sa Foundation Group matapos ang 82-73 paggapi sa SMDC-NU kahapon sa 2019 PBA D-League sa Paco Arena sa Manila.

Nag-init si RK Ilagan na ibinuhos ang 14 sa kanyang game high 30 puntos sa fourth period upang tulungan ang Golden Harvest na manatiling walang talo matapos ang tatlong laro. Bukod dito, nagtala din si Ilagan ng 4 na assists, 3 rebounds, at 3 ring steals.

“Wala ka nang mahihingi pa. Pagod na pagod na siya pero nandoon pa rin yung effort niya,” pahayag ni coach Egay Macaraya sa ipinakitang effort ni Ilagan.

Nag-ambag si Allyn Bulanadi ng 14 puntos, 9 na rebounds, 5 steals, at 4 na assists para sa nasabing panalo ng Golden Harvest. Pinangunahan ni Dave Ildefonso ang SMDC-NU sa kanyang itinalang 21 puntos, 6 assists, at 4 rebounds.

Bunga ng kabiguan, nalugmok sa ilalim ng Foundation Group ang Bulldogs na nanatiling winless matapos ang tatlong laban. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page