Bago mag-landing | EROPLANO NAWALAN NG KONTROL, 30 NADALE
- Jersey Sanchez
- Mar 12, 2019
- 1 min read
TATLUMPUNG pasahero na sakay ng Turkish Airlines passenger jet ang sugatan nang makaranas ng ‘severe turbulence’ patungong New York.
Naganap ang insidente 45 minuto bago ito tuluyang mag-landing.
Gayunman, agad dinala sa local hospital ang mga pasahero mula sa John F Kennedy International Airport sa New York.
Ayon sa spokesperson ng Port Authority of New York and New Jersey na si Steve Coleman, isa sa mga flight attendant ng naturang eroplano ang nabalian ng paa.





Comments