Babala sa mga babaeng madalas nananakit ang balakang!
- BULGAR

- Mar 12, 2019
- 2 min read
Dear Doc. Shane,
Ako ay 46 yrs. old, mananahi ng basahan at may tatlong anak. Minsan, napag-usapan sa patahiang pinagtatrabahuhan ko ang tungkol sa sakit na myoma. Nababahala ako dahil hindi raw ito bago sa kababaihan. Gusto kong malaman kung saan ito nakukuha, gayundin, anu-ano ang mga sintomas nito na dapat bantayan? — Yolly
Sagot
Ang myoma ay bukol na namumuo sa loob ng matris na kadalasang hindi ito nauuwi sa cancer. Ito ay maaaring kasingliit ng buto ng mga pananim at hindi rin ito nakikita nang walang gamit na aparato. Maaari rin itong tumubo nang sama-sama, dahil puwede nitong mabago ang hitsura ng matris.
Marami sa kababaihan ang nagkakaroon ng myoma minsan sa kanilang buhay. Subalit, karamihan sa mga babae ay hindi alam na sila ay may myoma dahil ito ay kadalasang lumilitaw kahit walang mga sintomas.
Ilan sa mga sintomas ng myoma:
malakas na daloy ng regla
pagkakaroon ng regla na hindi bababa sa isang linggo
pananakit ng balakang
palagiang pag-ihi
kahirapan sa pagdumi
pananakit ng likod at mga binti
Kailan dapat magpatingin sa doktor ang mga pasyenteng may myoma?
Ang pananakit ng balakang ay hindi nawawala
Sobrang pag-agos ng dugo tuwing may regla
Pagkakaroon ng spotting o bleeding kahit hindi naman nireregla
Hindi alam ng mga doktor ang eksaktong sanhi ng pagkakaroon ng myoma, subalit, ang resulta ng mga pananaliksik ay bahagyang nagpapakita na ang mga sumusunod ay ang mga salik sa pagkakaroon ng myoma:
Pagbabago sa genes — marami sa mga kaso ng myoma ay sinasabing nagtataglay ng kakaibang uri ng genes na hindi tulad ng nasa normal na mga selyula ng matris.
Mga hormone — ang estrogen at progesterone, ang dalawang hormone na nagsasaayos ng paglaki ng matris tuwing may regla bilang preparasyon sa pagbubuntis ay sinasabing malamang na dahilan ng paglaki ng myoma. Ang myoma ay nagtataglay ng mas maraming sukat ng receptor — dalawang nabanggit na hormones kaysa sa normal na selyula ng matris. Ang myoma ay kusang lumiliit kapag ang pasyente ay nag-menopause na dahil sa kakulangan ng hormones.
Iba pang salik ng paglaki — ang mga sangkap o kemikal sa katawan tulad ng mala-insuling kemikal ay maaaring makaapekto sa paglaki ng myoma.
Naniniwala ang mga doktor na ang myoma ay tumutubo galing sa stem cell na malalambot na mga tissue sa matris. Ang selyula ay mahahati nang ilang ulit na lumilikha ng matigas tulad ng gomang tissue na kakaiba kumpara sa nakapalibot na mga tissue.
Ang paglaki ng myoma ay nag-iiba-iba:
Ito ay maaaring tumubo nang mabagal o mabilis at maaaring hindi lumaki. Ang ibang myoma ay lumiliit naman nang kusa. Maraming kaso ng myoma na tumutubo habang buntis ang isang babae at lumiliit o nawawala pagkatapos ng pagbubuntis kapag ang matris ay bumalik na sa dating sukat nito.





Comments