top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Aktor, umamin… MATTEO, MAY IBA PANG GF, SARAH BINILHAN NA NG KUWINTAS

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 12, 2019
2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

“WALA namang tampuhan. Bulletproof kami ni Sarah,” ang naging pahayag ng ak­tor na si Matteo Guidicelli sa morning talk show na Ma­gandang Buhay kaha­pon (March 11) nang itanggi niya ang kumalat na bali­tang nagkaroon sila ng tam­puhan ng kanyang GF na si Popstar Princess Sarah Geronimo matapos siyang mag-skydiving sa Panga­sinan.

Ikinuwento ng aktor ang kanyang naging kakaibang experience.

Aniya, “Siyempre, nata­kot. Kahit nga ‘yung mama ko, nag-text silang dalawa. ‘Ikaw, wala kang pakialam sa mga taong nagmamahal sa iyo,’ ganu’n-ganu’n. Sabi ko, ‘Kalma lang, relax lang, magi­ging okay ito.’”

Ayon kay Matteo, inalay niya ang kanyang pag-sky­dive kay Sarah at sa kanyang pamilya, kung saan ay nag-viral pa nga sa social media ang pagsigaw niya ng “I love you, Sarah!” bago tumalon.

Aniya, “Actually, sa buong pamilya ko nga. Sabi ko, ‘Mama, Papa, Georgia, Paolo and Sarah...’ Siyempre, kapag hindi bumuka (ang parachute), at least, nag-I love you tayo sa lahat.”

Sa kanyang guesting sa Magandang Buhay, inamin din ng aktor na planado ang ginawa niyang paglipat sa management ni Sarah na Viva Artists Agency.

“You know my relationship with Sarah is very serious and hopefully, things go as planned. So we planned to just be in the same management also,” pahayag ni Matteo.

Para kay Matteo, itinadhana ang pag-iibigan nilang dalawa ni Sarah.

Ikinuwento rin ng aktor na nagsimula ang kanyang pagtingin kay Sarah noong tagahanga pa lang siya ng singer, kung saan binilhan pa niya ito ng kuwintas na hindi niya agad naibigay.

Kuwento ni Matteo, “Parang ganu’n, destiny ang buhay. Akala ko, hindi ko na maibibigay sa kanya.”

Dagdag pa niya, ”Matagal na ito (na nangyari). I had a crush on her etc., etc.. Pero may girlfriend pa ako noon yata. Tapos, binili ko itong Tiffany na kuwintas yata, tapos paalis na ako ng Amerika, sabi ko, never ko na maibibigay ito.

“Tapos, I was looking for a cousin that started with letter ‘S’ pero never kong naibigay. After, when I came back from the States ay nag-work kami ni Sarah, etc., etc. Pagbukas ko ‘Oy, [nandito] pa ito.’ Eh, kami na, so ibinigay ko na.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page