top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

After 3 yrs. na magkatabi sa kama… JAMES, UMAMIN NANG NAGLI-LIVE-IN SILA NI NADINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 12, 2019
  • 3 min read

SA wakas, nagpakatotoo na ang tambalang JaDine noong aminin ng real couple na sila’y nagsasama na sa iisang bubong.

Noong Sunday (March 10) episode ng Gandang Gabi Vice, malayang inamin ni James Reid na sila’y nagli-live-in na ng kasintahang aktres na si Nadine Lustre.

Ang pagtatapat ni James ay nataon sa ikatlong anibersaryo ng JaDine romance. Hindi nga raw makapaniwala si James na aabot nang tatlong taon ang kanilang pagsasama.

Sey ni James, mga short-lived romance ang mga nara­nasan niya sa mga past relationships niya.

It’s actually my longest relationship,” kumpirma pa ni James.

“It doesn’t feel like three years. It’s been so fast.”

Tinanong siya ni Vice ng… “Kinikilig ka pa rin?”

Sagot ni James, “Yes.”

Nagbigay naman ng pananaw ang GGV at It’s Show­time host na si Vice tungkol sa usapang-relationship.

Sabi ng TV host, “Kasi, ‘di ba, ‘yun ang fear ng ma­rami, lalo na ‘pag tumatagal?

“‘Yung ang daming nagbabago na hindi mo nama­malayan — nagbabago ‘yung feelings mo, ‘yung emotions mo, ‘yung dating excitement...

Kapag nagkikita kayo, lalo na ‘pag lagi kayo nagkikita, parang nawawala.”

Diretsahan namang sinabi ni James, “We live together, so like... oh.”

Dito na kinilig at nag-react ang mga nano­nood sa studio.

Tila nagulat naman si James sa naging reak­siyon ng mga tao at sinabing, “Did you know that? Okay, well, we live together.”

Natawa si Vice sa naging reaksiyon ni James at inapi­ran ito pagkatapos.

Sabi ni Vice tungkol dito, “Alam mo, it’s okay. Kasi ‘yang si James at saka si Nadine, we’ve accepted the real Nadine and the real James Reid. ‘Yung parang no sugarcoating, just real.

“Eh, ganu’n naman kayo, ‘di ba? ‘Whether you like it or not, you accept it or not, this is us.’

“So, just be free to be real,” sabi pa ni Vice.

Patuloy naman ni James, “Well, yes, we live together and sometimes kasi, araw-araw kayo nagkikita and there’s no space, sometimes, you get too comfortable.

“But then, there are days na she’s working, super busy, parang ganu’n and when she gets home, it’s like, yeah, we really miss each other still, kahit isang araw lang.”

Matatandaang noong July, 2017 nang unang natanong si Nadine kung sila ba ay nagli-live-in na ni James.

Sagot ni Nadine, “Come on, guys, it’s 2017! If that was true, so what?”

At noong January, 2018 naman, sa Gandang Gabi Vice guest appearance ng JaDine love team, tinanong ni Vice ang dalawa kung magkatabi ba silang natutulog.

Ang naging sagot lang ng dalawa, magkatabi silang matulog kapag nasa shoot, sa bus at sa plane.

Noong February 26, 2019 naman, sa presscon ng peli­kulang Ulan, muling natanong si Nadine kung mag­katabi na sila ni James sa pagtulog.

Natatawang sagot lang ni Nadine, “Bakit mo ba itinata­nong ‘yan? My God, kayo na pong bahala diyan na sumagot.”

Bagama’t gustong sarilinin ni Nadine ang living arrangement nila ng boyfriend noong panahon na ‘yun, diretso namang sumagot ang 25-year-old actress tungkol sa pagpapakasal.

Sa ngayon daw ay hindi pa niya nakikitang mangyayari ito sa kanila ni James dahil masaya sila sa kasalukuyang estado ng kanilang relasyon at hindi naman daw sila nagmamadali.

Unang nalantad sa publiko ang relasyon nina James at Nadine noong February 20, 2016, sa JaDine in Love concert na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

February 11 daw ng taong ‘yun nang inamin ni James ang tunay niyang nararamdaman para kay Nadine, sa pama­ma­gitan ng isang dinner date.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page