2 Abu Sayyaf arestado

KULONG ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Bgy. Maharlika, Taguig City.
Ipinrisinta ni NBI Director Dante Gierran ang suspek na si Salahim Dawani alyas Abu Moadz, na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Basilan Regional Trial Court para sa tatlong counts ng kidnapping at serious illegal detention.
Naaresto ang suspek ng mga tauhan ng NBI-Counter Terrorism Division, Death Investigation Division at Western Mindanao Regional Office.
May kinalaman ang kaso sa kidnapping ng mga worker ng Golden Harvest Plantation sa Tairan, Lantawan, Basilan ng ASG noong 2001.
Positibong kinilala ng dalawang biktima na sina Primitivo Falcasantos at Crisanto Suela si Abu Moadz ay kabilang sa ASG na dumukot sa kanila at sumunog sa kapilya ng plantation. Kasama rin umano si Abu Moadz sa mga miyembro ng ASG na nagbantay sa mga dinukot na workers.
Nakita rin umano nila si Abu Moadz na sinasanay ng mga dayuhang terrorist fighter sa paggawa ng explosive device at maraming beses na rin nakipag-encounter sa tropa ng pamahalaan. Tumulong din umano ito sa pagguwardiya sa mga biktima na dinukot sa Dos Palmas, Palawan kung saan kasama ang mag-asawang Martin at Gracia Burnham.
Isa pang biktima ng kidnapping incident, ang nagsabi na si Abu Moadz ay kabilang sa nagsilbing augmentation force ng ASG na kumidnap sa kanila sa Sipadan, Pulao, Sabah, Malaysia noong Abril 23, 2000 at nagsilbi rin umano itong close-in guard sa mga kinidnap sa Sipadan at kasunod nito ay dinala sa Talipao at Patikul, Sulu.





Comments