Vat sa telecommunication, out


ISINUSULONG ang “lifeline rate” sa mga cellphone user na dumaranas ng mataas na singil sa call, text at data usage sa pamamagitan ng pagsuspinde sa buwis na ipinapataw dito.
Hinikayat ni Ilocos Gov. Imee Marcos ang Department of Information and Communications Technology at National Telecommunications Commission na bigyan ng life line rate ang mga consumer na hindi naman kumukonsumo ng malaking porsiyento ng data at mobile services.
Dapat na magkaroon ng isang hakbang upang mapababa ang halaga ng pagtawag, text messages at data services para matuldukan na rin ang pagiging isa ng Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na rate sa mga mobile voice at sms.
Dapat din umanong alisin ang VAT sa telecommunication service at interconnectivity fees sa mga telco firms. (BRT)





Comments