SMB, NILUNOD ANG PIER FAJARDO, KAYOD-KALABAW
- BULGAR

- Mar 11, 2019
- 1 min read

PINAHABA ng San Miguel Beer ang kanilang winning streak sa apat matapos nilang kalusin ang naghihingalong NorthPort Batang Pier, 113-107 kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.
Nangalabaw si five-time Most Valuable Player, (MVP) June Mar Fajardo ng 40 points at 19 rebounds upang isampa ang Beermen sa No. 3 spot sa team standings kapit ang 6-3 record.
Nakalamang ang San Miguel Beer ng 15 puntos sa third period pero agad naman humabol ang Batang Pier.
Sa fourth quarter ay lalong dumikit ang NorthPort pero naging matatag ang defending champion San Miguel Beer upang makuha ang importanteng panalo. Sumalpak ng dalawang free throws si Fajardo upang hawakan nila ang apat na puntos na bentahe, 107-103 may 1:27 minuto na lang sa fourth quarter.
Nag-ambag si Marcio Lassister ng 15 puntos, 4 rebounds at 2 assist habang si Arwind Santos ay may 11 puntos, 9 rebounds at 1 assists para sa Beermen na lumakas ang tsansa sa asam nilang makakuha ng twice-to-beat advantage.
Mabibiyayaan ng insentibo ang top two teams pagkatapos ng elimination round. Walong teams lang ang sasampa sa quarterfinals.
Kumana si Moala Tautuaa ng 28 markers at 13 boards para sa Batang Pier na nalasap ang pang-limang sunod na talo, tangan nila ang 2-5 karta. (ATD)
Mga laro sa Miyerkules: (Araneta Coliseum)
4:30 p.m. - Magnolia vs Columbian:
7:00 p.m. - NLEX vs Alaska





Comments