top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pulis binentahan | 3 TIKLO SA SHABU AT MGA BALA NG BARIL

  • Maeng Santos
  • Mar 11, 2019
  • 1 min read

TATLONG hinihinalang drug personalities na sangkot din sa iligal na pagbebenta ng bala ng baril ang arestado sa buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas Police Chief Senior Supt. Rolando Balasabas ang mga naaresto na sina Eduardo Onde, 35; Ronald Salo, 31, at Joana Mae Cachero, 24.

Alas-9:00 ng gabi nang ikasa ng Navotas Police at NPD-DSOU sa pangunguna ni Chief Insp. Angelo Nicolas ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa loob ng Navotas Fishport Complex matapos ang isang linggong surveillance operation.

Nang iabot ng mga suspek ang 30 piraso ng bala ng cal. 40 sa isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P1,200 marked money, agad lumapit ang back-up na mga operatiba at inaresto ang mga ito. Narekober sa mga suspek ang limang sachets ng hinihinalang shabu.

Bukod sa iligal na pagbebenta ng mga bala ng baril, sangkot din umano ang mga suspek sa pagpapakalat ng iligal na droga sa fishport.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page