PHILRACOM OPEN STAKES RACE SA MALVAR, BATANGAS

INAABANGAN ng “Bayang Karerista” ang salpukang umaatikabo ng mga local at imported horses sa pagtikada nang 2019 PHILRACOM “4 Year Old and Above Open Stakes Race sa Marso 17 araw ng Linggo sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas.
Ngayon pa lang naghahanda na ang ilang karerista na isa sa MMTCI sa Malvar, Batangas upang panoorin ang paghaharap ng mga imported at local horses sa darating na Linggo.
Maghaharap ang mga kalahok na Couple Entry na Cerveza Rosas-Son Also Rises;Lakan; Salt and Pepper; couple entry na Lemon Drop Title-Smokin Saturday; Trust Me; ay magka-couAQple entry na Gomper Girl-Summer Romance.
Naghihintay ang unang premyo P300,000, mapupunta sa 2nd Place ang halagang P112,500 magkakamit naman ng P62,500 ang 3rd Place at P25,000 sa 4th place habang makatatanggap ng P15,000 ang horse owner na nagpalahi sa kabayo. Ayon sa Philracom ang naturang laban ay kauna-unahan na magaganap lalo’t pa tatlong couple entry ang maglalaban.
Samantala, magaganap ang 2019 PHILRACOM “3 Year Old Local Fillies and Colts” sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite sa Marso 24 sa susunod na Linggo. Bukas sa Fillies na may timbang na 52 kgs. habang ang Colts ay magdadala ng 54 ksg. na may premyong P1,000,000 na hahatiin sa apat na unang makatatawid sa finishline.
Tatanggap ng P.6-milyon ang mananalo sa nasabing laban at P225,000 ang tatanghaling 2nd place, habang ang 3rd placer ng P125,000 at P50,000 ang 4th place. Makatatanggap ng P30,000 ang horse breeder sa mananalong kabayo.
Kasabay nito,itinakda ang nomination sa Marso 12 na may kabayaran na nagkakahalaga ng P5,000 sa bawat kalahok at Drawing ng posisyon sa Marso 18, nakatakdang bayaran naman ang halagang P10,000 ng bawat kalahok.





Comments