top of page
Pokwang.jpg

LANTERNS AT BACOOR, PINASUKO ANG ZAMBO AT BASILAN SA MPBL

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 11, 2019
1 min read

ANGELES CITY – Hindi binigo ng Pampanga Lanterns ang kanilang mg kababayang manonood.

Sa paglalaro nila sa huling home game at huling laban sa MPBL Datu Cup, nanati­ling matibay ang Lanterns tungo sa tensiyunadong 87-85 na panalo laban sa playoff bound na Zamboanga sa Angeles University Foundation Arena, Sabado ng hatinggabi.

Umiskor si Juneric Balo­ria ng lima sa kanyang huling 6 puntos sa papakulapsong 38 segundo nang matulungan ang Pampanga na makadale ng panalo sa pagtatapos ng season.

Tinapos ng Pampanga ang elimination round campaign na may 11-14 record, ang parehong record na hawak ng Caloocan Supre­mos. Sa bisa ng panalo, ang Supremos na tinalo ang Lanterns sa elimination round na paghaharap ay malalagay sa 8th at last spot sa northern division ng torneo.

Si Baloria, ang guard na umakay sa panalo ng Pam­pan­ga ay nagbagsak ng tres sa 38-segundong marka upang iangat ang team, 84-82. Umalagwa rin ang dating college teammate ni Balo­ria na si Harold Arboleda at palamangin ang iskor ng Zamboanga, 85-84.

Samantala, sa unang laro, binigo ng Bacoor ang Basi­lan, 79-67 upang manatiling nasa kontensiyon para sa no. 5 spot. Kasunod ng huling panalo at pagkatalo noong una ng Zamboanga, nalagay ang Bacoor sa 5th spot ng southern division nang mag­wagi kontra Paranaque sa pagpapatuloy ng 5 mi­nuto na laban na inatasan pa ni Commissioner Kenneth Duremdes na i-replay dahil sa isyung teknikal. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page