top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

Lalo na ngayong Fire Prevention Month... TIPS PARA MAIWASAN ANG PAGKAKAROON NG SUNOG

  • Jersey Sanchez
  • Mar 11, 2019
  • 2 min read

KASABAY ng pagpasok ng tag-init, sunud-sunod na sakuna ang ating nababalitaan dahil sa sunog. Kaya mga bro at sis, nga­yong Fire Prevention Month, narito ang 10 tips upang maiwa­san ang pagkakaroon ng su­nog:

1. KEEP MATCHES OUT OF CHILDREN’S REACH. Mabilis na ma-curious ang mga bata, kaya for sure, bubulatlatin nila ang anumang bagay na makikita nila. Dahil dito, make sure na hindi maaabot ni bagets ang posporo, gayundin ang lighter o igniter.

2. AVOID USING ELECTRIC FAN CONTINUOUSLY. Dahil tag-init na, siguradong hindi maiiwasan ang pag­ga­mit ng electric fan. Pero, mga mamsh, make sure na mapapahinga ninyo ang inyong electric fan, kaya inirerekomenda ng mga eksperto ang pagkakaroon ng extra fan nang sa gayun ay hindi ito ma-over-used

3. DISPOSE CIGARATTE BUTTS PROPERLY. Huwag itapon nang basta-basta ang upos ng sigarilyo pagkatapos gamitin. Ito ay dahil sa posibilidad na hindi ito mapatay nang maayos at mapunta sa mga papel o dahon na maaaring maging sanhi ng sunog.

4. UNPLUG ELECTRICAL EQUIP­MENT. Bago umalis ng bahay, sigura­duhing nabunot ninyo sa saksakan ang electrical appliances ninyo. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang patuloy na pag­daloy ng kuryente, gayundin, makatiti­pid kayo. He-he-he!

5. NEVER LEAVE YOUR KIT­CHEN WHILE COOKING. Baga­ma’t, magandang paraan ang pagmu-multitask, hindi ito inirerekomendang gawin sa lahat ng oras, partikular kung nagluluto kayo. Ito ay dahil sa posibili­dad na makaligtaan ang niluluto habang busy ka sa ibang bagay.

6. TURN OFF STOVE AND LPG TANKS IMMEDIATELY. Pagkatapos magluto, mabuting patayin agad ang kalan at tangke ng gas. Sa ga­nitong paraan, maiiwasan ang gas leak na nagiging sanhi ng sunog. Okie?

7. AVOID OCTOPUS CONNEC­TIONS. Isa ito sa karaniwang sanhi ng sunog dahil sa labis na paggamit nito. Ayon sa mga eksperto, mas mabuti na direktang magsaksak sa outlet kaysa sa gumamit ng octopus connections.

8. DEFECTIVE APPLIANCES MUST NOT BE USED. Kung may kaunting sira ang mga kagamitan tulad ng electric fan o aircon, mas mabuting huwag muna itong gamitin, gayundin, ipa-repair ito nang sa gayun ay maiwa­san ang pag-o-overheat nito.

9. FIX TANGLED CABLES. Mga besh, it’s time para ayusin ang mga loose cable gamit ang electrical tape. Ga­yundin, mabuting regular na palitan ang mga ito para sa extra safety. Okie?

10. PRACTICE PROPER HOUSE­KEEPING. Ayon sa mga eksperto, ang tamang paglilinis ng bahay ay ma­gan­dang paraan upang maiwasan ang su­nog. Gayundin, mabuting itabi sa ang­kop na lugar ang mga gamit na na­ka­pagti-trigger ng apoy.

Oh, ayan, mga mamsh, ngayong Fire Prevention Month, siguraduhing magdodoble-ingat tayo nang sa gayun ay makaiwas tayo sa sakuna. Make sure na nabahagi ninyo ang tips na ito sa inyong mga kapamilya at kaibigan, ha?

Always take care, mga beshy! Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page