Lalaking nag-amok, utas sa pulis

NAGWALA umano hanggang sa maghabol ng taga ang isang lalaki saka nabaril ng rumespondeng pulis sa Bgy. Inaclagan, Atimonan, Quezon.
Alas-11:30 ng umaga, armado ng itak ang suspek na si Edmerson Libot, 32, ng Bgy. San Andres, nang magsimulang gumawa ng kaguluhan sa lugar.
Mabilis namang sumaklolo ang mga barangay official at pilit siyang pinakakalma.
Sa halip na sumunod, inatake nito ang dalawang biktimang tanod na sina Manuel Joven, 49, at Arnaldo Xanada, 61, na tinamaan sa kani-kanilang katawan.
Eksaktong pagdating ng kapulisan at isa naman sa kanila ang tatagain nito nang barilin ng dalawang beses sa hita. Nadala agad sa pagamutan ang mga biktima kabilang ang suspek na namatay din matapos maubusan ng dugo.





Comments