Kyusi, wala munang tax increase


SINUSPINDE muna ng Quezon City government ang implementasyon ng tax increase upang mabigyan ng pagkakataon ang bagong administrasyon na mapag-aralan itong muli kaugnay sa tax rates at real property valuation base sa 2016 approved schedule ng “fair market value”.
Layunin din nitong hindi maging dagdag-pasakit sa mga residente dahil na rin sa pagtaas ng iba’t ibang pangunahing bilihin.
Bagama’t, maaaring magtaas ang bagong Fair Market Value (FMV), ang mga property owner ay kailangan lamang magbayad ng 39 hanggang 85 percent dahil ibinaba ng lungsod ang tax assessment level na mula 18% ay ginawang 5% para sa residential at ang 25% ay ginawang 14% para sa commercial.
Nagbigay pa ng sample computation ang lokal na pamahalaan na “1996 SFMV: 100 sqm x 1,500= 150,000 x 18%= 27,000 x 2.5%= P675 annual tax” habang sa “2016 approved SFMV: 100 sqm x 8,000= 800,000 x 5%= 40,000x 2.4%= P1,000” o diperensiya na P325.00.
Ang FMV ay aprubadong schedule ng ‘unit base market values’ para sa iba’t ibang uri ng real property, maliban ang mga makinarya na inihahanda ng local assessors bilang basehan sa pagkompyut ng Real Property Tax (RPT) gamit ang Philippine Valuation Standard at Mass Appraisal Guidebook na inisyu ng Department of Finance (DOF) na maaaring ipatupad ng mga lalawigan at mga lungsod sa ilalim ng Local Government Code.
Ang Real Property Tax naman ay ang lokal na buwis na ipinapataw sa halaga ng real estate na kinakalkula base sa “assessed value”. (BRT)





Comments