Kung kinakailangang magbayad ng travel tax at airport fee ang OFW
- BULGAR

- Mar 11, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung ang Overseas Filipino Worker na tulad ko ay kinakailangang magbayad ng travel tax at airport terminal fee sa aking pag-alis para magtrabaho sa ibang bansa? — Devon
Dear Devon,
Para sa inyong kaalaman, sa Section 22 ng Republic Act No. 10022 o ang batas na nag-amyenda sa Republic Act No. 8042 na mas kilala bilang “Migrant Workers And Overseas Filipinos Act of 1995” sinasabi na:
“Section 22. Section 35 of Republic Act No. 8042, as amended, is hereby amended to read as follows:
SEC. 35. Exemption from Travel Tax Documentary Stamp and Airport Fee. – All laws to the contrary notwithstanding, the migrant workers shall be exempt from the payment of travel tax and airport-fee upon proper showing of proof entitlement by the POEA.
“The remittances of all overseas Filipino workers, upon showing of the same proof of entitlement by the overseas Filipino worker’s beneficiary or recipient, shall be exempt from the payment of documentary stamp tax. (Binigyang-diin)
Malinaw sa nabanggit na probisyon ng batas na hindi saklaw ng pagbabayad ng travel tax at airport fee ang Overseas Filipino Worker (OFW) sa oras na maipakita niya ang kanyang karapatan para rito na magmumula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments