Kelot binaril sa brg. hall, todas

ISANG tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng isang lalaki matapos barilin sa mismong barangay hall ng hindi pa nakikilalang armadong lalaki sa Bgy. Namunga, Rosario, Batangas.
Ayon sa ulat, alas-6:45 ng gabi, nakaupo sa lugar ang biktimang si Felix Inandan, residente ng naturang barangay nang lapitan ng suspek. Agad siyang binaril sa ulo nang walang sabi-sabi saka tumakas. Nadala pa siya sa pagamutan ngunit, idineklarang dead-on-arrival habang patuloy ang pagtugis sa salarin.





Comments