Importante raw ito lalo na sa panahon ngayon, besh! TIPS PARA MAIBALIK ANG SELF-CONFIDENCE
- Jersey Sanchez
- Mar 11, 2019
- 2 min read

FOR sure, may mga pagkakataong nawawalan tayo ng kumpiyansa sa sarili dahil sa iba’t ibang bagay sa ating paligid na pumipigil upang magkaroon tayo nito. No more worries mga sis dahil narito na ang ilang tips para maibalik ang inyong self-confidence:
1.WEAR CLOTHES THAT FIT WELL. Hindi man natin napapansin, pero minsan, ang mga damit na isinusuot natin ang dahilan kung bakit hindi tayo confident. Kaya besh, gora na sa iyong cabinet at hanapin ang mga damit na swak na swak sa iyong body type.
2.PAY ATTENTION TO YOUR HYGIENE. Hindi ba, mas nakadaragdag ng kumpiyansa kapag malinis ang ating katawan? Kaya make sure na wala kayong makalilimutang gawin tulad ng pagpapanatili ng maiksi at malinis na mga kuko at araw-araw na pagligo. He-he-he!
3.MAINTAIN YOUR EYEBROWS. ‘Yung iba, literal na kilay is life dahil kapag hindi sila nakapagkilay, feeling nila ay wala silang buhay. Ha-ha-ha! Kaya besh, kung feeling ugly ka at wala sa mood mag-ayos, kilay lang sapat na. Kilay is on fleek, ganern!
4.EMPHASIZE YOUR STRONG POINTS. Anu-ano ang mga asset mo, besh? Kung labi, mabuting pumili ka ng kulay ng lipstick na lalong makapagpapaganda rito. Gayunman, kung braso naman, mag-sleeveless ka. Easy, ‘di ba?
5.WEAR THE ‘RIGHT’ MAKE-UP. Madaling maglagay ng make-up, pero ano nga ba ang tamang uri ng make-up ang dapat ilagay sa mukha? Hmmm… ayon sa mga eksperto, mas nakadaragdag ng confidence appropriateness ang iyong make-up sa lugar na iyong pupuntahan.
6.GET A HAIRCUT THAT MATCHES YOUR FACE. ‘Ika nga nila, “crowning glory” ng kababaihan ang kanilang buhok, kaya besh, baka ito ang kailangan mo para bumalik ang iyong confidence. Gora na sa iyong paboritong salon at ipagawa ang hairstyle na bagay sa hugis ng iyong mukha.
7.WORK ON YOUR BODY LANGUAGE. Malaki ang impact ng body language kung paano nakikita ng ibang tao ang indibidwal.
8.SHOW YOUR PASSION. Minsan, nababawasan ang confidence ng indibidwal dahil hindi niya ipinakikita ang mga bagay na gusto niyang gawin dahil wala siya sa kanyang “comfort zone”. Mga sis, it’s time para ilabas ang iyong passion nang sa gayun ay mas maging confident ka. Malay mo, may maimpluwensiyahan ka pang iba? He-he-he!
9.SMILE MORE. Ang pinaka-effortless na step, smile lang! Tested and proven na ito dahil sino ba naman ang hindi nahahawa sa magandang mood kapag may nakangiti? Hindi ba, kapag kinakabahan tayo, idinaraan lang natin sa ngiti? Kaya smile lang, besh!
Bagama’t, kabilang approval ng mga tao sa paligid natin ang isa sa mga pumipigil sa atin upang magkaroon ng confidence, dehins natin ito dapat bigyang-pansin dahil ang mahalaga ay ang sarili nating kaligayahan. Gayunman, sundin ang tips na ito nang sa gayun ay manumbalik ang self-confidence ninyo.
Gets mo?
Commentaires