2019 BNTVCUP 5-STAG NAT’L BULLSTAG START NA


MAGSISIMULA na ngayon ang pinakahihintay na 2019 BNTVCup 5-Stag National Bullstag Derby sa pagratsada ng una, sa siyam na 2-bullstag eliminations, na gaganapin ngayon sa Metro Darasa Cockpit sa Batangas.
May garantisadong premyo na 1-Milyong Piso o higit pa para sa maliit na entry fee na P5,500 at minimum bet na P3,300.
Tanggap ang mga tinale na na-band noong nakaraang taon para sa 2018 BNTV Cup, mga early birds, at pati na ang local at national banded bullstags, na tumitimbang mula 1.800 hanggang 2.200 kgs.
Ang 3-bullstag finals ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Abril 2, sa pagtataguyod ng PAGCOR, Thunderbird Platinum, Bmeg Integra, Minami, Las Piñas Coliseum at LDI.
Ang iba pang 2-bullstag eliminations ay nakatakda sa Sta. Barbara Coliseum (Pangasinan) – Marso 14; Beddeng Cockpit (Vigan, Ilocos Sur) – Marso 16; Little Coliseum (San Pablo City, Laguna) – Marso 17; Texas Cockpit Arena (Rizal) – Marso 19; San Roque Cockpit Arena (Bulacan) – Marso 19; Bacolor Cockpit (Pampanga) – Marso 22; San Nicolas Cockpit (Ilocos Norte) – Marso 23 at Imus Sports Arena (Cavite) – Marso 26. (MC)





Comments