PANGMALAKASAN NA SA MPBL, NAVOTAS AT BATAAN SA PLAYOFFS


TUMUNTONG na sa playoffs ang Navotas at Bataan sa Huwebes noong gabi nang kanilang kalusin ang mga karibal sa MPBL Datu Cup sa Navotas Sports Complex.
Hinalibas ng Clutch ang Quezon City Capitals, 120-115, sa isang record-setting night at ipinaramdam na handa sila sa quarterfinal round. Nakagawa sila ng 16 na triples na naitalang pinakamaraming puntos na naiskor ng team sa bagong two-season history ng liga.
Nakapagpasabog si Jai Reyes ng 32 puntos upang pamunuan ang Clutch sa maiinit na shooting. Ang 16 na tres puntos ay pumatas na sa nakaraang record na nagawa ng Batangas City.
Pero may magandang rason sa Navotas na magdiwang dahil nalagay sila sa 6th spot ng pahirapang northern division ng torneo. Makasasagupa ng Navotas ang San Juan sa playoffs simula sa susunod na linggo.
Anuman ang resulta ng laro, ang nalalabing 1:34 ng kanilang laban kontra Muntinlupa Cagers ay lalaruin sa Sabado – hawak ng Clutch ang 12-12 card at tiyak na sa No. 6 spot sa event. Hindi bumagal ang Bataan, sa katunayan tinalo pa ang mabagal na Pasig, 105-87.
Hawak ng Risers sa pagtatapos ng eliminasyon ang 23-2 card sa torneo. Umibayo ang laro nila mula sa nagdaang 8th place finish at mahaharap sa playoffs ang Batangas City. Ang Pasig ang may laglag na record na 4-21 card.
Tumapos si Gab Dagangon ng 26 puntos para sa Risers na haharapin ang Caloocan Supremos sa susunod na linggo. “I think we’re ready,” ayon kay Bataan coach Jojo Lastimosa. “We’ve been ready as early as last week.” (MC)





Comments