top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pagiging no. 3 sa survey ni "Bong" Go, fake news?! Hmmm...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 10, 2019
  • 2 min read

SA PEKENG SURVEY, NO. 3 SI “BONG” GO AT INILAGLAG SINA IMEE AT JV — Itinanggi ng Social Weather Stations (SWS) na sa kanila umano nagmula ang survey na nag-number 3 si ex-SAP “Bong” Go sa mga senatoriable.

Dahil masyadong pabor kay “Bong” Go ang fake survey, pinuputakti siya ngayon ng batikos dahil ang duda ng publiko, ang kampo niya ang may kagagawan ng pekeng survey na ito.

Maging ang mga loyalista at supporter nina ex-Pres. Marcos at ex-Pres “Erap” Estrada ay join na rin sa pamba­batikos kay “Bong” Go dahil sa fake survey na ito, inilaglag ang kanilang mga anak na sina Gov. Imee Marcos na pang-15 at re-electionist Sen. JV Ejercito na pang-16 lang daw, boom!

◘◘◘

MGA KANDIDATO NINA P-DUTERTE AT SARA, TAKOT MATA­NONG SA TRAIN LAW KAYA ATRAS SA DEBA­TE? —Hanggang ngayon ay ayaw tanggapin ng mga kandidato sa pagka-senador nina P-Duterte sa PDP-Laban at Mayor Sara Duterte-Carpio ang hamong debate ng Otso Di-retso” at militanteng “Labor Win”.

Ang na­ki­kita nating dahilan kaya atras ang mga “manok” nina P-Du­terte at Ma­yor Sara, lalo na ang mga re-electionist sa debate ay dahil hindi nila alam ang isasagot kapag natanong na sila kung bakit lumagda sila para maging batas ang TRAIN Law o dagdag-tax na nagpataas sa presyo ng mga bilihin, period!

◘◘◘

HANGGANG AGOSTO NA LANG MABIBILI ANG NFA RICE?—Posibleng hanggang Agosto nga­yong taon na lang umano mabibili ang murang bigas ng National Food Authority (NFA).

Nakupo! Dagdag-dusa na naman ‘yan sa mamamayan, hu-hu-hu!

◘◘◘

PAGPATAY KAY PETER LIM, BOLADAS LANG NI P-DUTERTE—Boladas lang sa publiko ang sinabi ni P-Duterte na kapag nakita raw niya ang drug lord na si Peter Lim ay papatayin daw niya ito kahit makulong pa raw siya.

Ganyan din ang sinabi ni P-Duterte noong kaluluklok pa lang niya sa poder na pagtuntong pa lang daw ni Peter Lim sa airport ay patay na ito, pero ang nangyari nang makaharap niya ito sa Malacañang of the South sa Davao City noong July 2016, walang pag­patay na naganap na nagresulta para ma­kapuga ang Chinese drug lord, boo!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page