top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

MILF at MNLF, nakuha ni P-Digong sa areglo, 'yan ang hindi nagawa ng mga nakaraang pangulo

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 10, 2019
2 min read

NAGTAPOS na ang trabaho ni PCSO General Ma­nager Alexander Balutan.

Talagang weder-weder lang!

◘◘◘

NAAREGLO na ni P-Digong ang MILF at MNLF.

Ang hindi nagawa ng mga nakaraang pangulo ay nagawa ni P-Duterte!

◘◘◘

NAIIWANANG problema na lang ay ang CPP-NPA-NDF.

Ibinasura ni P-Duterte ang peace talks dahil sa mahina umanong liderato ni Joma Sison.

Kailangan munang ayusin ng mga komunista ang sariling pagkatao at hanay bago pumasok sa kasunduan!

◘◘◘

ANG mga dating miyembro mismo ng komunistang grupo ay pumapalag sa naranasan nilang hirap sa loob ng organisasyon.

Isang alyas Bobby Garcia ang lumantad upang ibunyag ang kapal­pakan ng grupo ni Joma Sison!

◘◘◘

IKINUWENTO nito ang malagim na pahina sa kasaysayan ng mga Komunistang Pinoy, partikular ang pagpupurga.

Aktuwal daw itong panto-torture sa mga hinihinalang DPA noong Dekada 80s.

Isa si alyas Bobby sa mga survivor!

◘◘◘

NAGBALIK-TANAW si alyas Bobby sa “Oplan Missing Link”, ang pinakamadugong internal purge ng CPP-NPA noong 1988.

Mayroon daw silang 121 biktima — 66 ang pinatay at 55 silang nakaligtas, pero naranasan nila ang matinding torture.

Ipinatupad din umano ang “Oplan Kadena de Amor” sa Southern Tagalog noong 1982, “Kampanyang Ahos” sa Mindanao (1985-86) at ang “Nationwide Olympia” (1988-89).

Tinortiyur daw d’yan ang mga hinihinalang DPA!

◘◘◘

Nasa kolehiyo raw si alyas Bobby noong 1983, nang mapatay si Ninoy Aquino at nakumbinse siyang mamundok, pero dumanas siya ng ibayong hirap sa Sierra Madre at nasugatan sa engkuwentro.

Pero, isinalang din daw siya sa torture kung saan maging ang pag­patay kina Dr. Rizal at Gat. Bonifacio ay tiyak na aaminin mo para lang matigil ang pagpa­pahirap!

◘◘◘

NAKIKIUSAP si alyas Bobby sa gobyerno na panagutin ang CPP-NPA-NDF sa paglabag sa karapatang-pantao.

Dapat ituro at ibalik ang labi ng mga napatay nilang dating rebelde upang mabigyan ng maayos na libing tulad sa mga ordinaryong Pinoy!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page