top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dahil sa malawakang blackout sa Venezuela | PASOK SA ESKUWELA AT TRABAHO, SUSPENDED

  • Jersey Sanchez
  • Mar 10, 2019
  • 1 min read

SINUSPINDE ng gobyerno ang mga pasok sa mga paaralan at trabaho matapos makaranas ng malawakang blackout sa Venezuela.

Nagdulot ito ng matinding abala sa milyun-milyong mamamayan na pinaniniwalaang isa sa pinakamalala sa kasaysayan ng bansa.

Gayundin, daan-daang empleyado ang napilitang maglakad sa mga kalye dahil suspendido ang operasyon ng subway service habang nagdulot din ito ng matinding trapiko dahil sa kawalan ng ilaw ng mga stop light.

Bukod pa rito, apektado rin ang mga ospital, telephone service, internet, airport at iba pang public services.

Gayunman, isinisisi ni Venezuelan President Nicolas Maduro sa Estados Unidos ang power outrage.

Samantala, nanawagan ang information minister ni Maduro na si Jorge Rodriguez sa mamamayan na manatili sa kanilang mga tahanan o sa lugar na ligtas.

Naganap ang malawakang blackout sa gitna ng political rivalry nina Maduro at opposition leader Juan Guaido.

Matatandaang, suportado ng U.S. at 50 iba pang bansa si Guaido na kanilang kinikilalang presidente.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page