2 forest guards tiklo sa kikil
- Pabs Hernandez III
- Mar 10, 2019
- 1 min read
BENGUET—Dalawang forest guards ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa pangingikil sa mga small scale miner, kamakalawa sa Bgy. Tuding, Itogon sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Danilo Atompa at Dino Lasaten, kapwa forest guards ng DENR na nakabase sa lalawigan.
Ayon sa ulat, inireklamo ng mga small scale miner ang pangingikil sa kanila nina Atompa at Lasaten kaya dinakip ng pulisya ang dalawang suspek.
Hindi naman nanlaban ang dalawang suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa nasabing lugar.





Comments