top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

16 lalaking estudyante inabuso ni sir | P30 KAPALIT NG KISS, P60 SA SEX

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 10, 2019
  • 1 min read

ISANG lalaking guro ang inilagay sa floating status sa Lungsod ng Bacolod kasunod ng akusasyon na minolestiya nito ang 16 na lalaking estudyante.

Sa panayam sa principal ng isang elementary school, kinumpirma nito na Pebrero 15 nang inilagay muna sa division office ang suspek na si alyas Lino, kasunod ng akusasyon.

Nalaman lamang ang insidente nang mapansin ng ibang guro na pinababalik pa ni ‘Lino’ ang mga estudyante nito kahit tapos na ang klase dahil sa may ipinagagawa pa umanong assignment o project.

Gayunman, nang inusisa ang mga estudyante, ipinasulat sa kanila ang mga ginagawa ng guro at napag-alaman na binabayaran sila kapalit ng sexual favor kung saan ang halik sa lips ay may bayad na P30 at P60 naman kung may anal penetration na sinasabing ginagawa sa loob ng banyo ng kanilang silid-aralan.

Kaugnay nito, ipinatawag ng principal ang mga estudyante at kanilang mga magulang para sa counselling at kinausap din nito si ‘Lino’ na sinampahan na ng administrative complaint sa Department of Education (DepEd) Division of Bacolod City.

Hanggang sa noong Pebrero 15 nang inilabas ang order na pinaaalis muna ito sa nasabing eskuwelahan. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page