top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

‘Hitman’ utas sa riding-in-tandem

Jeff Tumbado
Mar 10, 2019
1 min read

BINARIL at napatay ng riding-in-tandem ang tinaguriang kilabot na ‘hitman’ o gun-for-hire sa Barangay San Isidro sa Talisay City, Cebu.

Tatlong tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang agarang ikinamatay ni Jason Narido, 37.

Batay sa impormasyon ng pulisya, kahahatid lamang ni Narido sa kanyang anak sa pinapasukang paaralan sa San Isidro Elementary School nang ito ay salubungin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Bumaba umano ang nakaangkas at inakbayan ang biktima at dinala sa gilid ng kalsada kung saan ito pinagbabaril.

Hinala ng pulisya na onsehan sa iligal na droga ang motibo sa pagpaslang kay Narido dahil hindi umano ito nakapagre-remit sa kanyang naibebentang iligal na droga sa kanyang supplier.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page