top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tanod tigok sa kapwa tanod

Levi Gonzales
Mar 9, 2019
1 min read

PATAY ang isang tanod matapos saksakin sa dibdib ng kabarong tanod sa Bgy.3, Lipa City, Batangas.

Pasado alas-3:00 ng madaling-araw, kapwa naka-duty ang biktimang si Juan Doctolero, 63, at suspek na si Benzon Infante, 45, sa mismong katabi ng kanilang barangay hall sa tabi ng pampublikong pamilihan nang magtalo ang mga ito.

Hanggang sa bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak sa dibdib ang biktima.

Nadala pa sa pagamutan ang biktima ngunit, binawian din ito ng buhay habang naaresto naman ang suspek na sinampahan na ng kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page