top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga police scalawag, pabida na naman!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 9, 2019
  • 1 min read

MGA pulis na adik, tulak, sangkot sa hulidap, kidnap-for-ransom at kung anu-ano pang kawalanghiyaan!

Sunud-sunod ang balita kaugnay sa pagkakaaresto sa police scalawags.

Silang mga inaasahang tagapagpatupad ng batas, sila pala ang lumalabag. Hindi na kayo nahiya!

Dinoble na ang sahod, kumakapit pa rin sa patalim. Tipong kahit ilang doble pa ang gawin sa suweldo, parang hindi na talaga magbabago.

Kawawa naman ‘yung matitino, nadadamay at nababahiran.

Mula nang magpalit ng administrasyon, nasa 2,528 pulis na ang sinasabing sinibak sa serbisyo kaugnay sa iba’t ibang uri ng iregularidad.

Bukod sa mga na-dismissed na sa serbisyo, nasa 4,511 naman ang suspendido.

Tiyak na marami pang nagtatago at hindi pa nahuhubaran ng maskara.

Paano magtatagumpay ang giyera laban sa iligal na droga kung ang mga humuhuli kuno, eh, sila pa ang protektor o may mas masamang motibo?

Kaya tama lang na ubusin ang mga police scalawag. ‘Ika nga, ‘pag ang isang bulok na kamatis ay isinama sa mga bago o sariwa, lahat ay mabubulok din. Ang kabulukan ay nakahahawa, lalo na sa mga taong mahina.

Kasabay nito, ipagpatuloy lang ang adhikain para tuluyang malinis ang hanay ng kapulisan.

Simulan sa internal cleansing campaign at tugisin ang mga pader na kanilang sinasandalan.

Hindi lalakas ang loob ng mga ‘yan kung walang ‘boss’ na nasa kanilang likuran, sila ang higit na dapat parusahan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page