top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Magnanakaw, holdaper at swindler dumami, taghirap na talaga, tsk-tsk-tsk!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 9, 2019
  • 2 min read

BINOMBA ng AFP ang kuta ng Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu.

Na naman?

◘◘◘

PINAYUHAN ni Mahathir Bin Mohamad ng Malaysia ang Pilipinas na huwag magpabaon sa utang sa China.

Huh, paano naman ‘yung mga baon sa utang sa Bumbay?

◘◘◘

BINASTED ng Co­melec ang utos ng Otso Diretso na ayusin ang debate nila kontra Hugpong ng Pagbabago.

Gustong makalibre ng publicity!

◘◘◘

ISANG multi-bilyu­naryo ang namatay nang pumalpak ang penis enlargement operation sa Paris.

Hindi kaya lumobo ang penis higit sa kanyang katawan?

◘◘◘

DAMANG-DAMA ang pagdarahop ng mga nasa “laylayan” ng lipunan.

Kahit kalahating kilo ng bigas ay hindi kayang bilhin!

◘◘◘

MARAMING suki sa karinderya ang umoorder ng half rice at nanghihingi na lang ng sabaw.

Ganyan ang bagong diskarte ng mga ordi­naryong obrero para mabuhay!

◘◘◘

TUWING umaga, dinudumog ang “pares-pares” sa kariton.

P25 hanggang P35 kada tasa ng sinangag at beef soup na may kakarampot na “sebo at makunat na litid ng baka”!

◘◘◘

ANG minimum wage na P400-P500 kada araw ay kapos sa isang pamilya ng obrero.

Babawasan ito ng SSS, Pag-Ibig, budget sa pamasahe at pag­kain ng limang beses sa 24-oras at ang pina­kamalaki ay pambayad sa utang!

◘◘◘

MALINAW na sinto­mas ng pagdarahop ay ang unti-unting pagdami ng magnanakaw, holdaper at swindlers.

Pero, hindi lang ang ordinaryong obrero ang nagdarahop, nagugutom din ang mga armadong parak na may pamilya rin.

Dahil diyan, nangi­ngikil, nangongotong at umiikot na rin ang mga parak sa mga gambling lord, ‘yung iba sa drug lords!

◘◘◘

ABALANG-ABALA ngayon si NCRPO Chief General Guillermo Eleazar sa pagbabantay at pag­hanting sa mga parak na scalawag.

Kasi kailangang madisiplina sila at makaiwas sa pagiging kriminal!

◘◘◘

MAHALAGANG makatulong ni P-Digong ang mga mahahalal sa 2019 Midterm Elections sa pagsugpo ng krimi­nalidad.

‘Yan ang dahilan kaya nakapasok na sa Top 12 sa huling SWS survey si General “Bato”!

◘◘◘

MAHALAGA ang magiging papel ni “Bato” sa pagsugpo ng kriminalidad na parang aswang na walang kamatayan.

Kahit puksain, nag­babalik-balik ito tulad ng pusang itim sa mga horror movie.

Para mapuksa ang aswang sa lipunan, kailangan ang bertud at bato ni Darna!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page