top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

LIGA NG ESPORTS, DOTA 2, TEKKEN ETC., MAGSISIMULA NA

Eddie M.Paez, Jr.
Mar 9, 2019
1 min read

E-Sports Corner

AARANGKADA na ang pinakaunang liga ng eSports sa Pilipinas na ti­natawag na “The Natio­nals” ngayong Marso 17, 2019.

Makikipagsagupaan ang anim na koponan sa kampeonato ng Dota 2, Tekken 7 at Mobile Le­gends: Bang Bang. Ang Dota 2 ay idaraos sa pa­mamagitan ng mga perso­nal computers samanta­lang ang bakbakan ng Tekken 7 ay masasaksihan sa consoles. Sa kabilang dako, sa mga mobile phones naman arangkada ang Mobile Legends.

Sa pag-oorganisa ng Gariath Concepts, ang anim na teams naman na nag-aambisyong mangiba­baw ay ang mga sumusu­nod: Bren Epro (ni Bernard Chong), Cignal Ultra (ni Jane Basas), Suha (ni Jobe Nkemakolan), Happy Feet Emperors (ni Kevin Chung), STI (ni Mhel Garrido) at PLDT Smart (ni Andrew Santos).

Tumatayong Nationals Commissioner si Ren Vitug habang si Kevin Chung ang kasalukuyang pangulo ng eSports na li­gang magsasagawa ng anim na conferences ng bak­bakan. Dalawang con­ferences kada larangan ang nasa kalendaryo. Ang lara­ngan ng esports ay kiniki­lala ng Games and Amuse­ment Board (GAB).

Nauna rito, nakumpir­ma ang pagkakasali ng eSports sa 2019 South East Asian Games (SEAG) kung saan tatayong pu­nong-abala ang Pilipinas. Inaasahan ding malaki ang potensiyal ng mga Pinoy na magningning sa lara­ngang ito dahil walang “phy­sical boundaries”, wa­lang limitasyon sa edad at wala ring language bar­riers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page