top of page
Pokwang.jpg

KORONA, ‘DI BIBITIWAN NG PARAÑAQUE SA NBL?

Alvin Olivar
Mar 9, 2019
1 min read

SISIMULAN ng Parañaque ang kanilang kampanya para mapanatili ang korona sa pagsisimula ng pangalawang season ng National Basketball League (NBL) na gaganapin sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex sa City of Sta. Rosa, Laguna.

Kakaharapin ng Parañaque Aces ang Laguna Pistons sa pangalawang laro ng doubleheader ng 6 p.m. Nanaig ang Parañaque sa unang season ng liga matapos daigin ang Dasmariñas Ballers sa best-of-three serye. Ayon kay Parañaque coach Harold Sta. Cruz, hindi magiging madali para sa Aces ang pagdepensa sa korona lalo pa’t 15 koponan ang maglalaro ngayong pangalawang season ng liga kabilang ang Aces.

“Sinabi ko tapos na ‘yung last season. Kung kaya namin i-defend ‘yung championship, why not. Hard practice pa rin kami para pagdating sa game, laging go hard,” saad ni Sta. Cruz.

Impresibo ang Laguna Pistons sa katatapos lamang na preseason pagkaraang maipanalo ang dalawang laro. Maghaharap ang Ballers at Taguig Generals sa unang laro sa ganap na 4 p.m. pagkatapos ng opening ceremony na gaganapin ng 3 p.m. (Alvin Olivar)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page