Gustong malaman kung magiging miyembro ng Philippine Dental Association ang lisensiyadong dentista
- BULGAR

- Mar 9, 2019
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Ako ay pasado na bilang lisensiyadong dentista at mayroong nakapagsabi sa akin na awtomatiko na raw kaming magiging miyembro ng Philippine Dental Association (PDA). Totoo ba ito? — CJ
Dear CJ,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 30 ng Republic Act No. 9484 o mas kilala bilang “The Philippine Dental Act of 2007” na awtomatikong magiging miyembro ang mga pumasa bilang mga dentista sa ating bansa. Ayon sa nasabing batas:
“Sec. 30. Integration of Dentists, Dental Hygienists and Dental Technologists. - All registered dentists, dental hygienists and dental technologists shall be integrated into one national organization which shall be recognized by the Board and accredited by the Commission as the one and only accredited integrated association to which all dentists, dental hygienists and dental technologists shall belong. Henceforth, all dentists, dental hygienists and dental technologists to be registered with the Board shall automatically become a member of the accredited integrated professional organization upon payment of required fees and dues. Membership in the accredited and integrated national organization of dentists, dental hygienists and dental technologists shall not be a bar to membership in other associations of dentists, dental hygienists and dental technologists.” (Binigyang-diin)
Sa inyong sitwasyon, ang nag-iisang national organization ng mga dentista ay ang Philippine Dental Association (PDA) kung saan awtomatikong magiging miyembro ang mga lisensiyadong dentista.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments