GUARTE NG AIR FORCE, NAKA-1ST GOLD SA 3,000M APAC STEEPLECHASE


SINILO ni Mervin Guarte ng Philippine Air Force ang unang ginto sa umagang laban matapos manaig sa men’s 3,000 me¬ter steeplechase sa Ayala Philippine Athletics Cham¬pionships (APAC) sa Ilagan, Isabela.
Inirehistro ni Guarte, 26, ang siyam na minuto, 26.84 segundo upang ungusan sina Immuel Camino, (9:28.97 at men’s 10,000 me¬ters gold medalist Ri¬chard Solano, (10:06.13) ng Philippine Army. Dalawang pambato ng National University ang hu¬mablot ng gold at silver medal sa girls 3,000 meter steeplechase, matapos mag¬tala sina Abegail Manzano ng 12 minuto, 47.21 segun¬do at Leonalyn Raterta ng 13:20.20.
Nakalawit ni Elena Camu ng team Titus Athle¬tics ang bronze medal ma¬tapos ilista ang 14:08.27 sa event na suportado ng City of Ilagan, Milo Nutri-up, Phi¬lippine Sports Commis¬sion, IAAF at Asian Athle¬tics Association.
Samantala, nilundag ni Raziebel Fabellon ng Adam¬son University ang gold medal sa women’s high jump, silver ang nakopo ni Marianne Audrey Yorac ng team Pasig habang kinalawit ni Leah Taltala ng team Baguio ang bronze.
Hindi nagpadaig si Tre¬xie Dela Torre ng team Negros Occidental dahil ti¬nalon nito ang gold sa girls long jump, (5.80), silver ang ikinuwintas ni Diana Rysia¬mie Hurano ng City of Ila¬gan, (5.48) habang bronze ang napunta kay Shilou Mae Maglasang ng University of Santo. Tomas, (5.36). (ATD)





Comments