top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Gaano kadalas dapat magpa-check ng HbA1c ang taong may diabetes?

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 9, 2019
1 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay 57 years old at may diabetes, isang taon pa lamang ang nakalilipas. Sa government hospital lang ako nagpapa-check-up tuwing ikatlong buwan. Gusto kong malaman kung gaano ba kadalas dapat magpa-check ng HbA1c ang diabetic at para saan ba ito? Ang alam ko lang ay ang tinatawag na fasting blood sugar. — Istong

Sagot

Pinatitingin sa doktor ang hemoglobin A1c test para malaman kung tumataas ang asukal sa dugo ng pasyente maliban pa sa fasting blood sugar (FBS). Ang FBS ay maaaring pabagu-bago depende sa kinain noong nakaraang araw, samantalang, ang HbA1c test ay isang numero na sumasaklaw sa average level ng asukal sa dugo sa nakaraang tatlong buwan. Magkaiba ang sinusukat ng test na FBS sa HbA1c.

Ang normal na HbA1c test ay 5.5%.

Gaano kadalas dapat pinatse-check ang HbA1c ng taong may diabetes?

Dalawang beses o higit pa sa isang taon para sa mga pasyenteng nasa target ang blood sugar at mata­tag ang kontrol ng diabetes kada tatlong buwan para sa mga pasyenteng hindi pa nararating ang target na blood sugar at para sa mga pasyente na ina-adjust pa o pinalitan ang gamot para sa diabetes

Makabubuti kung regular kayong bibisita sa doktor upang maitanong kung gaano kayo kadalas dapat magpakuha ng HbA1c test, gayundin para mas ma-monitor ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page