top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Empleyado ng DENR at asawa pinagbabaril

  • Jeff Tumbado
  • Mar 9, 2019
  • 1 min read

PATAY ang isang empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang asawa matapos silang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa Bgy. Guiwan, Zamboanga City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Mohammad Resa Ismael, na nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ginagamot naman ang asawa nitong si Jackilyn.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na ang mag-asawa sa kanilang bahay sakay sa kanilang motorsiklo nang sundan sila ng mga suspek at kapwa pinaputukan.

Agad tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page