top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Dating beauty queen, sobra na raw… DAYANARA, INIWAN NG BF DAHIL MAY SKIN CANCER

Beth Gelena
Mar 9, 2019
1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

DAHIL sa skin cancer ng 1993 Miss Universe na si Dayanara Torres ay hiniwalayan siya ng fiancé, ang Marvel Studios co-president na si Louis D’Esposito.

Ayon sa source, ang pagbabahagi sa publiko ng former beauty queen ng iniindang maselang karamdaman ay “too much” para sa Marvel executive.

Lumabas sa Argentinean news na Infobae ang balitang hiniwalayan ng Marvel executive ang girlfriend sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono right after mala­mang ini-announce ng Puerto Rican na siya ay na-diagnose na may skin cancer.

Ani D’Esposito, “It is too much for me.”

Kaya raw pala hindi na napapansin ng malalapit kay Dayanara ang engagement ring ng celebrity couple.

Kung matatandaan, nag-post si Daya­nara kung saan naka-highlight ang kan­yang mga daliri habang nagsusulat ng… “Notice the people who make an effort to stay in your life...”

November, 2018 nang ini-announce ng celebrity couple ang kanilang engagement.

Ilang taon ding nanirahan si Dayanara rito sa Pilipinas kung saan minahal siya ng mga Pinoy at nakagawa rin ng ilang pelikula rito.

Marami siyang naging kaibigang Pinoy celebrities na lahat ay nagdarasal sa maaga niyang paggaling.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page