Bulkang mayon nagbuga ng abo

DALAWANG beses nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon sa Albay habang tinatayang anim na volcanic quakes ang naitala sa loob ng 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dalawa sa mga naitalang pagyanig ay iniuugnay sa phreatic eruption na naitala alas-8:11 ng umaga noong Huwebes at alas-6:27 ng umaga ng Biyernes.
Aabot umano sa hanggang 500 metro mula sa tuktok ng bulkan ang bumugang abo.
Naobserbahan pa rin ang puting steam, gayundin ang maliwanag na baga sa crater ng Bulkang Mayon kung gabi.
Nasa ilalim pa rin ng Alert Level 2 ang Mayon Volcano na ang ibig sabihin ay “moderate level of unrest”.
Muling nagpaalala ang Phivolcs sa publiko na ibayong pag-iingat ang gawin sa mga biglaang pagsabog, pag-agos ng lava, pyroclastic density currents (PDCs) o lahar at ashfall.
Ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa six-kilometer-radius ng Permanent Danger Zone (PDZ) at sa seven-kilometer-radius of the Extended Danger Zone (EDZ) o mula sa mga bayan ng Anoling at Camalig hanggang sa mga bayan ng Sta. Misirecordia at Sto. Domingo sa Albay.





Comments