BOLTS, WAGI SA DOUBLE OT NEWSOME, BIDA SA OPENSA


NAKALSUHAN ang 3-game skid ng Meralco Bolts matapos pagpagin sa double overtime ang NorthPort Batang Pier, 126-123 kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.
Tumikada si Baser Amer ng back-to-back treys sa pangalawang overtime upang selyuhan ang panalo ng Bolts at ilista ang 3-5 record. Namuno sa opensa para sa Meralco si Chris Newsome na nagtala ng 28 points, 12 rebounds, 7 assists at 4 steals.
Parehong ayaw magpaiwan ng malaki ang Bolts at Batang Pier sa unang dalawang periods, nakalamang ang una ng tatlo, 49-46 sa halftime. Mahigpitan pa rin ang bakbakan sa third, nakaungos ng apat ang Meralco, 76-72 papasok ng 4th canto.
Samantala, pakay ng TNT KaTropa na pindutin ang pangatlong sunod na panalo pagharap nila sa Blackwater Elite ngayong 4:30 p.m. sa Ynares Center, Antipolo.
Kinamada ng KaTropa ang apat na panalo sa limang laro kasama ang huling dalawa upang ilista ang 4-3 karta at mapalakas ang tsansa na sumampa sa susunod na phase. Mananatili rin ang asam nilang mapuwestuhan ang top two teams pagkatapos ng elimination round kapag tinalo nila ang Elite.
Magkakaroon ng twice-to-beat advantage ang No. 1 at 2 teams sa eight-team quarterfinals. Pero paniguradong papalag ang Blackwater dahil galing din sila sa panalo.
Kailangan ng Elite na maipanalo ang tatlong natitirang laro upang makahirit ng laro sa quarters. “TNT is coming from back-to-back wins. They’re in high spirits,” saad ni Elite head coach Bong Ramos. “We need to really focus and try to minimize our turnovers. If we can contain their scorers, we’ll have a chance.” Para kay KaTropa coach Bong Ravena depensa ang kailangan gawin ng kanyang mga bataan upang tumagal ang buhay nila ngayong conference. “Defense,” ani Ravena. “We have to stop their main threats.” (ATD)
Mga laro ngayon:
(Ynares Center-Antipolo)
4:30 p.m. - Blackwater vs TNT
6:45 p.m. - Alaska vs Magnolia





Comments