top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Babaeng tulak timbog sa buntis na pulis

Maeng Santos
Mar 9, 2019
1 min read

ARESTADO ang umano’y babaeng tulak matapos habulin ng buntis na pulis at kasama nito nang maaktuhang may iniaabot na shabu sa isang lalaki sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas Maritime Police P/Lieutenant Col. Virgil Ranes ang naaresto na si Jinky Briobo, 40, dalaga, ng Paradise Village, Letre Road, Bgy. Tonsuya, Malabon City.

Ayon kay Pat. Nikki Pepito, alas-3:00 ng hapon, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Navotas Maritime Police na sina Patrolwoman Josephine Obuyes at Patrolwoman Kristine dela Cruz sa kahabaan ng Palengke St., Bgy. NBBN nang makita ng mga ito ang isang babae at lalaki na nag-aabutan ng hinihinalang shabu.

Nang mapansin ng mga suspek ang papalapit na mga pulis ay mabilis nagpulasan ang dalawa sa magkahiwalay na direksiyon dahilan upang habulin ang mga ito ng dalawang policewomen hanggang sa makorner si Briobo habang nagawang makatakas ng kasama nito.

Narekober kay Briobo ang dalawang sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page