top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Tulong-pinansiyal mula sa mga foreigner na para sa mahirap, ipinambibili ng armas | MODUS NG MGA KOM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 8, 2019
  • 2 min read

SA wakas, inuusig na ng gobyerno natin ang pagpinansiya ng mga banyaga sa Partido Komunista ng Pilipinas at New People’s Army (NPA) para matigil ito sa lalong madaling panahon.

Kamakailan, pumunta sa Belgium ang mga opisyal ng National Task Force to End Communist Insurgency para ipa­liwanag sa gobyerno nito na nakaku­kuha ang mga komunista ng pondo ng mga ilang organisasyon sa bayang ito.

Ang pagkaalam nila ay tulong-pinan­siyal ito para sa mga mahihirap at nasa­lanta ng bagyo subalit, ang totoo ay kinu­kuha lang umano ng mga komunista at NPA ang perang ito at ginagamit sa kanilang armadong pakikibaka para mapabagsak ang gobyerno natin.

Ayon sa “task force,” mismong gob­yerno ng Belgium ang nakapagbigay ng P36 milyon sa mga NGO na akala nila ay tulong sa mahihirap na ipinada­raan sa mga organisasyong “pangmasa” raw.

Tinukoy ng task force ang mga orga­nisasyong ito na prente lang ng mga ko­munista na siyang nakakuha ng pera.

Sa totoo lang, hindi na bago ang mga ganitong uri ng balita.

Mula umano nang maitatag ang Com­munist Party ni Jose Ma. Sison ay naka­ka­­kuha ito ng mga pondo sa mga ban­yaga. Napakalaki ng nakuha nitong pon­do sa China noong ang pinuno nito ay si Mao Ze Dong.

Nagawa pa ng mga Chinese na mag­padala ng 5,000 armas noong 1972 sa Pilipinas para sa NPA.

Eh, siraulo rin ang mga tauhan nilang nagpatakbo ng dalawang barko na sakay ang mga armas.

Una, ang MV Karagatan ay dumaong sa Digoyo Point, Isabela.

Akala nila ay walang tao rito, pero ito ay pahingahan ng maraming mangi­ngisda.

‘Yun, nakita nila ang kakaibang bar­ko at isinumbong sa militar natin.

Mabilis na rumesponde ang kapulisan at army natin at nakipagbakbakan sa mga NPA na nagbababa ng mga armas mula sa barko kaya ang nangyari, 500 rifles lang ang nakuha ng NPA.

‘Yung pangalawang barko naman, ang MV Andrea ay muntik nang lumubog dahil inabot sila ng masamang panahon sa dagat.

Naisalba lang sila ng Coast Guard ng Hong Kong. Paano naman kasi, ang mga nagpatakbo ng mga barkong ito ay mga batang aktibista na binigyan lang ng “crash course”.

Ang nangyari pa, dahil nabuking ang tulong ng mga Chinese sa NPA ay na­kum­binsi ang buong liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tama ang desisyon ni dating Pangulong Ferdi­nand Marcos na magdeklara ng Martial Law noong Setyembre 1972.

Nagulantang ang mga komunista at ang maraming liderato nila kasama na ang mga pinakapuno nilang sina Jose Ma. Sison at Kumander Dante, ang nahuli ng Philippine Constabulary.

Madalas ipinagyayabang ng mga komunista na umunlad sila dahil tama ang kanilang pakikipaglaban at suporta­do sila ng masa.

Ang katotohanan ay hindi mabubuhay ang rebolusyon nila kung walang supor­tang pampinansiyal noong 1970s ng mga Chinese at ng mga nakaraang dekada ng mga NGO sa Europa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page