Sangkot sa gunrunning at drug syndicates | 3 PUMALAG SA WARRANT, DEDBOL
- Maeng Santos
- Mar 8, 2019
- 1 min read

TATLONG hinihinalang miyembro ng gunrunning at drug syndicates ang namatay matapos mauwi sa barilan ang isinagawang pagsilbi ng search warrant ng mga pulis sa Navotas City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas ang mga nasawing suspek na sina Edgar Doctolero, 40-45; Kim Ryan Permejo, 35, at Ernesto Gallardo, pawang mga residente ng Bgy. Tumana, Navotas City.
Ayon kay Col. Balasabas, isinilbi ng mga elemento ng Northern Police District- CIDG ang search warrant kay Doctolero subalit, nang mapansin ni Gallardo ang presensiya ng mga operatiba sa labas ng kanilang bahay ay pinaputukan nito ang mga pulis.
Hanggang sa isang granada ang inihagis ni Permejo sa operating team subalit, hindi ito pumutok at matapos ang barilan, duguang bumulagta ang wala ng buhay na mga suspek.
Samantala, target si Doctolero ng search warrant na inisyu ng Navotas City RTC Branch 286, matapos ang ilang reklamo ng pagpapaputok nito ng iba’t ibang uri ng baril sa naturang lugar. Kabilang din umano si Doctolero sa drug watchlist ng pulisya at barangay.





Comments