Pinasok sa opisina | PULIS NIRATRAT, UTAS
- Jeff Tumbado
- Mar 8, 2019
- 1 min read

TODAS ang isang aktibong pulis makaraang pagbabarilin sa mismong opisina nito sa Talisay City, Cebu kamakalawa.
Dead-on-the-spot sanhi ng limang tama ng bala ng baril si Chief Master Sergeant Michael Espina, assistant chief of police ng Masbate Municipal Police Station.
Pasado alas-6:00 ng umaga nang pasukin ng suspek ang biktima habang ito ay nag-eehersisyo sa terrace ng pag-aaring gusali sa Bgy. Dumlog.
Nabatid na naka-leave ng dalawang araw sa kanyang duty si Espina mula nang madestino sa Bicol Provincial Police Office. Inaalam pa kung may kinalaman ang krimen sa negosyong poultry o sa pagiging pulis nito.





Comments