NAGPASABOG NG 31 SI DRUMMOND; LEBRON, DINAIG NA SI AIR JORDAN
- BULGAR

- Mar 8, 2019
- 1 min read

DINAIG na ni LeBron James si Michael Jordan at umakyat na ito sa 4th place ng NBA career scoring list, pero kinapos ang host Los Angeles Lakers sa 115-99 nang matalo sa Denver Nuggets sa NBA game kahapon.Tumapos ng 31 puntos si James at nakalamang na ng 12 puntos sa career total points ni Jordan na 32,292 points. Sumunod sa listahan si Kobe Bryant na may 33,643 points.
Si Will Barton ay may 23 pts. Habang si Nikola Jokic ay may 12 points, 17 rebounds at 8 assists para sa Denver. Umiskor sina Jamal Murray at Gary Harris ng tig- 19 points upang matulungan ang Nuggets sa 23-point lead.
Pinutol ng Denver ang tatlong pagkatalo at dumikit sa top seed ng standings ng Golden State sa Western Conference. Darayo ang Denver sa Warriors bukas. Nagpakawala ng 31 puntos si Andre Drummond at 15 rebounds nang makuha ng Detroit Pistons ang ika-10 panalo sa 12 laro at pahiyain ang bisitang Minnesota Timberwolves, 131-114.
Kabilang ang puntos ni Drummond sa kanyang career best. Malaking bagay din ang tulong ng Detroit bench para sa panalo at unang beses ito mula nang gawin ni Luke Kennard ang 21 pts. noong Disyembre at 19 puntos ang ikinamada ni Ish Smith, 5 rebounds at 5 assists.
Dumagdag si Langston Galloway at Wayne Ellington ng tig-11 puntos. Bumida si Karl-Anthony Towns sa Minnesota sa 24 puntos bago sumuko. May 18 puntos si Andrew Wiggins at 15 puntos si Jeff Teague at 8 assists. (MC)





Comments