top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

NABUHAY ANG LIFESAVERS UNITED VC, NAKA-APAT NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 8, 2019
2 min read

HINDI nawalan ng loob ang Generika-Ayala Lifesavers upang makaligtas sa makapigil-hiningang 25-21, 25-22, 19-25, 20-25, 15-11 na panalo kontra Foton Tornadoes sa Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Lumamya pa ang Lifesavers mula sa unang two-set lead bago nagbalik ang buhay sa fifth set at tuluyang angkinin ang unang panalo sa prestihiyosong women’s club league.

Binalikat ni Thai import Kanjana Kuthaisong ang opensiba habang si Fiola Ceballos ang isa rin sa nagpainit sa laro ng Lifesavers, na pormal nang tinuldukan ang six-game losing streak sa bakbakan na ito.

Bilang huling kapalit ni Brazilian Nikolle del Rio, humalibas si Kuthaisong ng 25 points, 15 digs at 10 excellent receptions habang si Ceballos ay may 20 points, 17 spikes, 2 aces at block.

Impresibo rin sina Kseniya Kocyigit ng Azerbaijan sa 11 marka, kabilang na ang krusyal na banat sa deciding set kung saan itinarak ng Lifesavers ang 13-8 lead bago idinikit nina Courtney Felinski at Gen Casugod ang Foton sa 11-13.Pero mainit si Ceballos, sa bisa ng kanyang malakas na cross-court hit at service ace kaya naiselyo niya ang panalo.

“We finally got the money off our backs. It is a win that we badly need,” ayon kay Meneses, na binigyang kredito si Jamie Lavitoria dahil sa husay nito sa setting at tumapos ng 23 excellent sets.

“We finally found the right combinations and Jamie did a great job for us. It worked so we will stick with it and hopefully we can get more victories along the way.

”Nakagawa si Felinski ng 24 points, kabilang na ang 14 digs at 14 receptions para sa two-time champion Foton, na dumanas ng pitong diretsong talo sa season-opening conference.

Nakapagdeliber si Gen Casugod ng 16 hits habang si Mina Aganon at import Selime Ilyasoglu ay may 14 at 13 markers.

Samantala sa ikalawang laro, nakapagtala ang United VC ng 25-18, 17-25, 25-22, 25-17 na panalo upang tapusin ang unang round na mataas ang kumpiyansa.

Bumida sina American import Yaasmeen Bedart-Ghani at Tai Manu Olevao upang balikatin ang UVC para sa ika-4 na panalo sa pitong laro at manatili sa 4th place. (MC/VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page