top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kung maaaring cover note ang ibigay ng insurance company imbes na policy

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 8, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Nais kong malaman kung may bisa na ang aking insurance contract kahit imbes na isyuhan nila ako ng insurance policy, cover note lamang ang ibinigay sa akin ng insurance company na kinuhanan ko? —Daryl

Dear Daryl,

Para sa inyong ka­ala­man, ang batas na nakasasaklaw sa in­yong katanungan ay ang Section 52 ng Republic Act (R.A.) No. 10607 kung saan nakasaad na:

“SEC. 52. Cover notes may be issued to bind insurance temporarily pending the issuance of the policy. Within sixty (60) days after issue of a cover note, a policy shall be issued in lieu thereof, including within its terms the identical insurance bound under the cover note and the premium therefor.” (Binigyang diin)

Samakatwid, kung wala pang policy na maibibigay ang insu­rance company, ma­a­a­ring cover note muna ang ibigay nito na ma­giging pansa­man­talang patunay ng inyong insurance contract. Ang ibig sabihin nito, ang pagbibigay sa inyo ng cover note ng inyong insurer ay patunay na ang inyong kontrata ay balido at may bisa na.

Nawa ay nasagot na­min ang inyong katanu­ngan. Nais na­ming ipa­alala sa inyo na ang opin­yong ito ay naka­base sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkaka­in­tindi namin dito. Maaa­ring maiba ang opinyon kung mayroong karag­da­gang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page