top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Hirit ni Mayor Sara, lahat ng kandidato sinungaling, mga iniendorso sapul?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 8, 2019
2 min read

“PUBLIC OFFICE IS A PUBLIC TRUST”, KAYA MALI ANG SINABI NI MAYOR SARA NA HINDI ISYU ANG TAPAT NA KANDIDATO NGA­YONG PANAHON NG HALALAN—Ikinagalit ng publiko ang sinabi ni Presidential Daughter Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi raw importante sa kandidato ang pagiging tapat sa taumbayan ngayong panahon ng halalan dahil lahat naman daw ng mga tao, lalo na ang mga kumakandidato ay mga sinungaling.

May punto talaga ang mamamayan na magalit kasi ang ibig sabihin ng “public office is a public trust” ay ang dapat maupo sa puwesto sa gobyerno ay tapat sa tungkulin at hindi sinungaling, period!

◘◘◘

PARANG SINABI NI MAYOR SARA NA SINUNGALING SI “BONG” GO NANG ITANGGI NITONG PERA NG BAYAN ANG GINASTOS SA KANYANG T-SHIRTS CAMPAIGN MATERIAL—Ang sinabi ni Mayor Sara na sinunga­ling ang lahat ng mga kandidato ay kay ex-SAP “Bong” Go ito nag-boomerang.

Para na rin kasing sinabi ni Mayor Sara na nagsisi­nungaling si “Bong” Go nang sabihin nitong hindi pera ng bayan ang ginastos sa sangkaterbang t-shirts na may mukha at pangalan niya na ipinamudmod sa libu-libong barangay officials sa event ng “Liga ng mga Barangay” noong Pebrero, boom!

◘◘◘

DAPAT DAW ISAL­PAK NI P-DUTERTE SA KANYANG KUKO­TE NA PANGULO SIYA AT HINDI HARI —Pinaalalahanan ni ex-Sen. Rene Saguisag si P-Duterte na ang posis­yon nito sa gobyerno ay pangulo at hindi hari.

May punto si Saguisag sa sinabi niyang ito, kung mag-aasta raw kasi si P-Du­terte ay parang hari at pati mga anak nito ay feeling mga prinsipe at prin­sesa na kung maka­asta, akala nila pag-aari nila ang Pilipinas, mga buwisit!

◘◘◘

MGA ILIGALISTANG SINA ‘ELMO’ AT ‘ROLLY’, DAPAT IPA-’TOKHANG’ NI PNP-R2 GEN. ESPINO—Lantaran na raw ang raket na “dice” nina “Elmo” at “Rolly” sa Santiago City, Isabela.

Kailan kaya ipato- "tokhang” ni PNP-Region 2 Director Jose Mario Espino ang dalawang iligalistang ito? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page