'Di pa tapos ang halalan, House speakership pinag-aagawan na, ngek!

INTERNATIONAL Women’s Day ngayon.
Mabuhay ang mga kumander!
◘◘◘
NATUWA si P-Digong sa pagdidisiplina ni NCRPO Chief General Guillermo Eleazar sa mga pasaway na parak.
Halos sikmuraan ni General Eleazar ang parak na nangikil sa drug suspek.
Buti, hindi siya nang-agaw ng boga!
◘◘◘
HINDI pa man natatapos ang eleksiyon, naggigirian na bilang susunod na Speaker ng Kamara ang tatlong aspirante.
Naggigitgitan sina ex-DFA Secretary Alan Peter Cayetano, Rep. Lord Allan Velasco at ex-Rep. Martin Romualdez.
Royal rumble ini!
◘◘◘
LIYAMADO sa Royal rumble ang dating kongresista at dating senador na “batang compañero”.
Naging ka-tandem ni P-Digong si Cayateno sa huling presidential elections.
Kumbaga, hihirit siya ulit!
◘◘◘
Karibal niya ang three-term congressman ng Leyte na si Romualdez at pangulo ng Philippine Constitution Association at dating minority leader.
Tangay niya ang bandila ng mga waray!
◘◘◘
ANAK si Velasco ni dating Supreme Court Justice Presbitero Velasco at dating chapter president ng IBP-Marinduque.
Natalo sa eleksiyon si Velasco kontra kay Regina Ongsiako-Reyes, pero nagprotesta kung saan pinaboran siya ng Comelec at Korte Surpema kaya naupo!
◘◘◘
NAKAUPO ngayon bilang House Speaker si ex-P-GMA kaya mahalagang masundan ang kanyang yapak.
Inaasahan matindi ang giyera-patani sa susunod na liderato ng Kamara.
Wala sanang dumanak na laway, este, dugo sa susunod na Kongreso sa Hulyo!
◘◘◘
NAGMULA raw sa Intel report ng mga dayuhan ang impormasyon kaugnay sa narco-politicians.
Paktay kang bata ka!
Pinayagan nang manghimasok ang mga foreign agent!
◘◘◘
HONESTY at integridad daw ang no.1 kuwalipikasyon sa mga kandidato.
Aba, sabihin ninyo kay Madame Karen.
Ano ang sey mo, Sen. Pacquiao?
◘◘◘
NAIS ng ilang kandidato na ipabitay ang mga mapatutunayang plunderer.
Huh, mistulang minasaker mo ang mga kandidato!





Comments