top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

DEBUT GAME NI RAVENA, INALAT HALLARE, BUMIDA SA D-LEAGUE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 8, 2019
  • 1 min read

HINDI naging maganda ang debut game ni Thirdy Ravena sa PBA Developmental League matapos na pataubin ng University of Santo Tomas ang Cignal-Ateneo, 112-98 kahapon sa 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Bumato ang Growling Tigers ng 19-of-44 sa 3-point arc upang burahin ang 15 puntos na kalamangan ng Blue Eagles sa second quarter at agawin ang pangingibabaw hanggang tuluyang maipanalo ang laban.

Nanguna ang rookie sensation na si Mark Nonoy para sa Tigers sa itinala nitong 23 points, 6 rebounds, 3 assists, at isang steal, kasunod si Rhenz Abando na nagposte ng 21 puntos kabilang ang 6 na tres bukod pa sa 2 rebounds at tig-isang assist, steal, at block.

Nagdagdag naman si Beninese forward Soulemane Chabi Yo ng 20 puntos, 9 na rebounds at 2 assists at si Renzo Subido ng 15 puntos lahat galing sa 3-points. “Ang mindset namin dito sa game namin, ma-gauge kung nasaan na kami,” pahayag ni UST coach Aldin Ayo. “(Ateneo) is the best collegiate team dito sa atin, so gusto lang namin na masukat lang ang kaya namin. Good thing naman makalaro ng maayos ang mga bata.”

Samantala, muling nakabingwit ng isang malaking isda ang St. Clare College-Virtual Reality matapos nilang igupo ang Che’lu Bar and Grill, 82-77.

Nagtala si Junjie Hallare ng 19 puntos, 12 dito ang isinalansan niya sa second half, bukod pa sa 6 steals at 5 rebounds upang pa­ngu­nahan ang panalo kasunod si Irven Palencia na may 13 puntos. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page